Monday, August 2, 2010

BLANK

ALONE.
Sa gabing madilim,tahimik.                                       
Walang ingay, walang tao.
Nag-iisa lang ako, san man ako tumingin,
kulay itim ang paligid ko.

Bigla kitang inisip, sa isang iglap,
lumiwanag ang mundo ko.
Ngunit sa isang sulok,
may itim pa rin na naiwan.
Lumapit ako, nagulat ako ng
makita kita na naka-abot ang
kamay mo sakin,
At sabi mo pa,
"Tara, alis na tayo dito, di bagay
ang isang tulad mo sa malungkot
na lugar na to",

Kumapit ako, napahigpit haplos mo.
Ikaw ang nagsalba sakin 
sa gitna ng dilim na pinaroroonan ko.
Binigyan mo ng liwanag ang mundo ko.
Ang takot ko lang, pag hinigpitan ko hawak ko,
ikaw nama'y bumitaw.
Tumingin ako sayo, nagbalik ka ng tingin 
na may ngiti sa iyong mga labi.
Nawala ang pagaalinlangan na naramdaman ko.

Ngunit, biglang lumuwag ang kapit mo,
napatingin ako,
Nabasa ko ang lungkot sa iyong mga mata.
At bigla kang bumitaw.
Kumapit ako ngunit tinanggal mo.
Iniwan mo ako.
At sa pangalawang pagkakataon,
Dumilim muli ang mundo ko.



------TiNAH

No comments:

Post a Comment